NAGA CITY – Nahaharap ngayon sa kasong Obstruction of Jusitce ang nahuling Brgy. Treasurer na nagpatalo umano sa sabungan ng mahigit P200,000 na pondo ng Barangay San Isidro, Iriga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Col. Elmer Mora, hepe ng Iriga City PNP, sinabi nitong itinurn-over na ang nasabing Brgy. Treasure na si Gabriel Vargas sa District Jail habang ni-release naman ang dalawa pang suspek na sila Mike Magistrado at Jimmy Padayao na naging katuwang nito sa krimen
Ayon kay Mora, kinakailan umano ang certification ng Brgy. Captain , Brgy. Treasurer at Commission on Audit (COA) upang mapatunayan na mula sa kaban ng Brgy.ang pera.
Sa ngayon nasa P30,000 ang ipinataw na piyansa sa nasabing Brgy. Treasurer para sa temporaryong kalayaan nito.
Kung maaalala sa sa inisyal na imbestigasyon, sinasabi na ipinusta umano ni Vargas ang pera sa sabungan ngunit natalo ito.
Maliban dito gumawa pa umano ito ng eksena kung saan pinaniwala nito ang mga pulis na biktima siya ng pang-hoholdap ngunit kalaunay napag-alaman na gawa-gawa lamang ito ng naturang suspek.