Napili ang British actor na si Robert Pattinson bilang susunod na gaganap sa iconic role ni James Bond sa sikat na spy film franchise.

Ito ay kasunod ng pag-alis ni Daniel Craig sa matagal nang serye ng mga pelikulang James Bond.

Nagsimula ang prangkisa noong 1962 at nakapagtala na ng mahigit $7 bilyon sa kabuuang global box office sales.

Advertisement

Si Denis Villeneuve, na kilala sa pagdidirehe ng mga pelikulang Dune trilogy at Arrival, ang inaasahang mamamahala sa bagong pelikula. Samantala, si British screenwriter Steven Knight naman ang nakatakdang sumulat ng script.

Ayon kay Pattinson, isang malaking karangalan ang mapili upang gumanap sa naturang iconic na karakter. Aniya, matagal na niyang pinapangarap na mabigyan ng pagkakataong maging bahagi ng James Bond franchise.

Umaasa naman ang mga producer na makaaakit ng mas batang henerasyon ng mga manonood, partikular ang Gen Z, ang pagganap ni Pattinson bilang bagong James Bond.

Nakilala si Pattinson sa buong mundo sa pagganap bilang Edward Cullen sa Twilight film series, kung saan nakasama niya ang American actress na si Kristen Stewart.

Advertisement