NAGA CITY- Maituturing na pinakamalakas na umano sa kasaysayan ng Kentucky ang buhawi na naitala sa nasabing estado sa Estados Unidos noong Sabado, Disyembre 11, 2021.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Marlon Pecson mula sa Chicago, Illinois, sinabi nito na naapektuhan ng nasabing sakuna ang Mid-West at Southern states ng nasabing bansa.
Dagdag pa nito, ito rin umano ang pinakamalawak na area na naabot ng nasabing buhawi.
Sinabi pa ni Pecson na inaasahan ang pagbisita ni US President Joe Biden sa ground zero location.
Aniya, tinatayang nasa 110 na indibidwal ang na-trap sa gumuhong candle factory kung saan walo na dito ang binawian ng buhay.
Samantala, nasa 1,000 na mga kabahayan na tinamaan ng buhawi sa Kentucky ang wala na ngayong supply ng kuryente.
Sa ngayon, nagtutulong-tulog na umano ang mga residente sa lugar sa kabila ng nangyaring sakuna kasabay ng papalapit na kapaskuhan at bagong taon.