Nasungkit ng Bulgarian singer na si Dara ang panalo sa 70th Eurovision Song Contest dahil sa kanyang kantang “Bangaranga,” na nagbigay sa Bulgaria ng kauna-unahang tagumpay sa naturang patimpalak.

Ayon sa ulat, hindi kabilang si Dara sa mga paboritong manalo, ngunit nakakuha siya ng mataas na puntos mula sa mga hurado at boto ng publiko dahil sa kanyang masigla at powerful na performance.

Pumangalawa naman ang Israeli contestant na si Noam Bettan, habang pumangatlo ang Romania, kasunod ang Australia at Italy.

Ginanap ang kompetisyon sa Vienna na sinalihan ng 25 bansa, tampok ang iba’t ibang genre ng musika sa finals.

Advertisement

Naging kontrobersyal din ang patimpalak dahil sa mga protesta at boycott kaugnay ng partisipasyon ng Israel sa kompetisyon.

Sa kabila ng kasiyahan sa tagumpay ng Bulgaria, naapektuhan pa rin ang event ng mga isyung pampulitika at panawagan mula sa ilang bansa na alisin ang Israel sa paligsahan.

Advertisement