Tatlong beses nagbuga ng ash plumes ang Bulkang Kanlaon nitong Linggo ng Pagkabuhay, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa obserbasyon ng Kanlaon Volcano Observatory-Canlaon City (KVO-CC), ang mga pagbuga ng abo ay naitala alas-1:10 ng hapon, 3:10 ng hapon, at 5:09 ng hapon. Umabot sa taas na 350 metro hanggang 1,200 metro mula sa bunganga ng bulkan ang mga ibinugang abo.

Mananatili ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon, na nakapagtala na ng tatlong moderately explosive eruptions ngayong taon—Pebrero 19, Pebrero 26, at Marso 15.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng apat na kilometrong permanent danger zone (PDZ) ng bulkan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Advertisement

Patuloy na binabantayan ng Phivolcs ang aktibidad ng Bulkang Kanlaon at nagpaalala sa mga residente at bisita na maging alerto sa anumang pagbabago sa kondisyon ng bulkan.

Advertisement