NAGA CITY- Nagkaroon ng noise barage kahapon ang ilang mga grupo kaugnay ng pagkondena sa closure ng ABS-CBN.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Elna Antonio, Chairperson ng Bunyog Bicol-CamSur, sinabi nito na ang kanilang isinagawang indignation ay bahagi ng kanilang suporta sa TV Network na ABS-CBN.

Ayon kay Antonio, umaasa sila na pakikinggan ng pamahalaan ang kanilang panawagan na bigyan ng pagkakataon ang naturang network.

Maliban pa dito, kinondena naman ng grupo ang mga pahayag ni Sen. Bato Dela Rosa na maghanap na lamang ng ibang trabaho ang mga empleyadong nawalan ng hanapbuhay dahil sa hindi pagrenew sa prangkisa ng network.