NAGA CITY- Idineklara ng disaster zone ang kabuuang Municipalidad ng Muan matapos ang nangyaring plane crash na ikinamatay ng maraming pasahero.
Sa report ni Bombo International News Correspondent Lester Javier mula sa South Korea, sinabi nito na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente kun saan binawian ng buhay ang nasa 179 mula sa 181 na pasahero ng Boeing 737-800 ng Jeju Air flight ideneklara naman na disaster zone ang nasabing lugar.
Ayon kay Javier wala namang Pilipino ang nakasama sa mga biktima dahil pawang mga Korean Nationals at dalawang 2 Thai Nationals ang lulan ng nasabing eroplano.
Dagdag pa ni Javier, wala na ring isinasagawang rescue operations dahil kinumpirmar na ang bilang ng mga binawian ng buhay magin ang dalawang nakaligtas.
Kaugnay nito, idenekla na rin ang 7 day mourning period sa South Korea kung saan naka half mast ang bandila sa lahat ng institutions magin ang pagkansela sa mga Festivities.
Binigyang diin pa ni Javier na ang mga binawian ng buhay na na-identified na ay umabot na sa 150 habang mayroon pa rin ang nananatiling walang pagkakakilanlan matapos na matupok ng apoy ang kanilang mga katawan.
Batay naman sa paunang imbestigasyon ang nasabing biyahe ay travel package at mula sa Bangkok Thailand.
Samantala, nakuha na rin ang dalawang blackbox ng eroplano kung saan nakarecord ang impormasyon magin ang mga huling nangyari bago ang malagim na insidente ngunit aabutin pa umano ng halos buwan bago lumabas ang resulta sa pinakadahilan ng aksidente.
Ngunit batay sa paunang imbestigasyon ng Jeju Air tumama ang erpoplano sa ibon at dahil na rin sa masamang panahon.
Itinuturing naman na worst aviation disaster ang nasabing insidente sa buong South Korea.