NAGA CITY-Nabalian ng paa ang isang bus driver pagkatapos na maipit dahil nakabangga ang minamaneho nitong bus sa isang nakaparadang truck sa Catabugan, Lupi, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Garry Cruz, MDRRMO head at Focal Person ng Lupi, Camarines Sur, kanyang isinalaysay na nakaparada ang nabanggit na truck na may kargang feed sa lugar pagkatapos na masiraan nang makabangga sa likurang parte nito ang bus.
Dahil sa lakas ng impact nahirapan ang mga otoridad na mailabas ang drayber na naipit sa loob.
Mayroon ring isang pasahero na nagkaroon ng minor injury dahil sa posibleng pagkakatama nito sa upuan ng behikulo.
Matrayumpo naman na naisalba ang mga sakay ng bus habang dinala naman sa ospital ang bus driver para sa tulong medikal.
Ayon pa kay Rodriguez talagang accident prone area ang kanilang lugar lalo na para sa mga motorsiklo, truck, at bus, kaya hindi na bago para sa kanila ang katulad na insidente pero nahirapan lang sila sa pag-alis sa driver dahil nakapasok ang unahang parte ng bus sa truck at ipit na ipit ito sa loob.
Ito rin aniya ang pinakamatagal na operasyon nila na inabot ng lampas 3 oras upang maalis lang ang biktima.
Sa ngayon, paalala na lang ng opisyal sa lahat ng driver na laging mag-ingay at huwag magpatakbo ng matulin upang makaiwas sa aksidente.