NAGA CITY – Nauwi sa armed confrontation at pagkamatay ng dalawang indibidwal ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Zone 1, Barangay San Isidro, Naga City.

Kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Albert Gumba alyas “Ambe”, dating pulis at huling naitalaga sa Lupi Municipal Police Station, residente ng Bula, Camarines Sur, at si Rey Delminguez, residente rin ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, sinabi nito na nakakalungkot umanong isipin na na ang dating miembro ng kapulisan na dapat nagpapanatili ng kapayapaan at tumutulong para matigil ang mga iligal na aktibidad sa komunidad, ay sangkot sa iligal na aktibidad.

Sa kabila nito, binigyang diin na lamang ng opisyal ang importansiya ng disiplina sa sarili para hindi masangkot sa mga iligal na gawain.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.