NAGA CITY- Nakatalaan na isagawa ang emergency Legislation sa December 2, 2024 sa bahagi ng California, USA bilang tugon sa kaplanuhan ni US President-elect Donald Trump na mass deportation.
Sa report ni Bombo International News Correspondent Virgie Contreras, mula sa California USA, sinabi nito na ang nasabing emergency legislation ang kautusan ni Gov. Gavin Newsom na layuning bumuo ng buffer system upang maprotektahan ang mga immigrants maging ang right of choice ng mga kababaihan, climate change at LGBTQ inclusion.
Ayon pa kay Contreras, maraming bilang ng mga immigrants ang nasa coastal state na halos Demokratiko ang Partido gaya na lamang ng New York, New Jersy, Colorado at California.
Kaugnay nito, may mga Cities na rin umano sa Amerika ang gumagawa na ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga immigrants sa mass deportation gaya na lamang ng Los Angeles na bumuo ng legislation para sa sanctuary ng mga ito.
Nakapaloob sa nasabing legislation na magiging sanctuary City ang Los Angeles ng mga immigrants na gustong paalisin sa ilalim ng pamamahala ni Trump. Kung saan hindi umano gagamitin ang lokal na pondo para sa pagpapa-alis sa mga immigrante.
Maalala, kinumpirma ni Trump na gagamitin nito US military upang maisakatuparan ang mass deportation program para sa mga undocumented migrants.
Dagdag pa ni Contreras, sa kasalukuyan hindi pa nararamdaman ang mass deportation dahil nananatiling si US President Joe Biden pa rin ang nakaupong Pangulo at mangangailangan pa umano ng malaking pondo para sa nasabing hakbang.
Sa ngayon, marami pa umanong hakbang na dapat gawin upang maisakatuparan ang mass deportation ngunit kasabay nito nanawagan naman si Contreras sa kapwa Pinoy na nasa Amerika na maging handa sa nasabing usapin.