NAGA CITY- Ibinandera narin sa probinsya ng Camarines Norte ang Red Alert status sa matapos isailalim sa signal no.1 dahil sa banta ng Bagyong Quinta.
Sa ibinabang memorandum ni Governor Edgardo Tallado, inatasan na nito ang lahat ng Emergency Operations Center at Incident Management Team na maging handa para sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Ipinatupad narin ang “No Sailing” policy simula bukas ng tanghali Oktobre 26,2020 bilang paghahanda, kung saan posible pa umanong mabago ito sakaling itaas pa ang kasalukuyang Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa nasabing probinsya.
Paalala naman ng gobernador na tiyaking ligtas at nasusunod ang mga health protocols sa mga evacuation center.
Sa ngayon inaasahang magla-landfall ang nasabing bagyo sa Bicol region bukas o sa araw ng Lunes.