NAGA CITY – Ginulantang ngayong gabi ang mga taga suporta ni Camarines Sur 1st District Rep. Marissa Andaya sa balitang pumanaw na ito.

Ang nasabing impormasyon ang unang ibinahagi ni Albay Rep. Joey Salceda sa kanyang facebook account.

Hindi na rin nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Salceda sa nasabing balita.

Ayon sa report, una nang may iniindang karamdaman ang Kongresista.

Si Andaya ang asawa ni Former Camarines Sur 1st District Rep. at former Majority Floor Leader Rolando Andaya.