NAGA CITY- Itinuturing na 2nd fastest growing province sa Bicol Region ang lalawigan ng Camarines Sur ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Nabatid kasi na pumalo na sa 2,068,244 ang kabuuang populasyon ng lalawigan batay sa 2020 Census of Population and Housing ng nasabing ahensiya simula 2015 hanggang 2020.
Sa regional level naman, ang lalawigan ng Camarines Sur ay nanatiling mayroong pinakamaraming populasyon na nasa 34.01 percent total share sa populasyon ng rehiyong Bicol.
Dagdag pa dito, itinuturing naman na mayroong pinakamabilis na pagtaas ng populasyon sa nasabing probinsiya ang mga bayan ng Pili at Goa maging ang lungsod ng Naga.
Samantala, ranked 12 naman ang Camarines Sur sa pinakamataas na populasyon sa buong Pilipinas.