NAGA CITY- Hinikayat ni Governor Migz Villafuerte ang lahat na mamayan ng probinsya ng Camarines Sur na tigilan ang pagpapalabas ng mga maling impormasyon sa social media.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH-Bicol) ang unang kaso ng tatlong nag positibo sa Coronavirus Desease sa Bicol Region.
Sa ipinaabot na impormasyon ni Villafuerte, sinabi nito na huwag nalamang umanong magpalabas ng mga hindi siguradong impormasyon upang maiwasan ang pag-panic ng mga tao.
Ayon dito, sa ngayon manatili nalamang sa loob ng bahay dahil ayon kay Villafuerte malalabanan ang nasabing virus kung lahat ay makikipag tulungan sa mga otoridad.
Samatala, kinumpirma naman ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga na si PH763 na isa sa nag positibo sa nasabing sakit na taga Camarines Sur ay umuwi galing Metro Manila. Kung saan pinabulaan nito ang mga lumalabas na maling impormasyon na kabilang umano ito sa mga nag-cater sa Legazpi City.