NAGA CITY– Inalerto ngayon ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang lahat ng mga alkalde at barangay officials dahil sa nararamdamang sama
ng panahon sa lalawigan na dulot ng Tail-End of a Cold Front.
Sa ipinalabas na memorandum ni Villafuerte, inatasan nito ang mga opisyal na mahigpit na imonitor ang kanilang mga lugar na nasasakupan lalo na
ang mga landslide-prone areas.
Maliban dito, kailangan din aniyang bantayan ang mga ilog, sapa ang ilang mga watercourses na pwedeng magdala ng mga pagbaha at flashfloods.
Kaugnay nito, agad aniyang magsagawa ng precautionary measures at magpatupad ng preemptive at force evacuation kung kinakailangan.
Kung maaalala, una nang naitala ang paguho ng lupa kahapon sa bayan ng Presentacion na nagresulta sa pagkaantala ng mga byahe ng
papuntang Caramoan at lungsod ng Naga.