NAGA CITY- Nangunguna ang Camarines Sur sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Bicol Region batay sa datos ng Department of Health (DOH)-Bicol.
Sa isinagawang media dialogue ng naturang ahensiya iniglatag dito ang datos simula ng maitala ang nakamamatay na sakit sa kabikolan.
Ayon pa dito, mula sa 4,810 na kaso na naitala sa rehiyon, 1,243 ang mula sa lalawigan ng Camarines Sur, habang pumapangalawa naman dito ang Masbate na sinundan naman ng Sorsogon.
Kaugnay nito, nasa 61 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay sa CamSur na sinundan naman ng Albay na may 42 na kabuuang kaso ng pagkmatay dahil sa nasabing virus.
Samantala, inaasahan naman ng DOH na maiiwasan na ang patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa pagdating ng bakuna sa Bicol.