NAGA CITY- Pinag-aaralan na umano ng Provincial Government of Camarines Sur ang isasailalim na sa state of calamity ng lalawigan dahil sa bant ng African Swine Fever (ASF).
Sa pagharap ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte sa isinagawang press conference, sinabi nitong dahil sa dami ng mga hog raisers na pwedeng maapektuhan ng ASF tinitingnan kung posibleng isailalim na sa state of calamity ang Camarines Sur.
Kaugnay nito, ayon kay Villafuerte, mas mangangailangan pa ng dagdag na pondo ang lalawigan na ibibigay sa mga apektadong hog raisers.
Sa kabila nito, una ng kinumpirma ng Department of Agriculture na walang magiging problema sa parte ng ahensya dahil magbibigay rin ito ng P5,000 financial assistance.
Samantala, dagdag pa ni Villafuerte handa namang magbigay ang Provincial Government ng karagdagang P3,000 para sa mga apektadong hog raisers.