NAGA CITY – Pumapangatlo ang lalawigan ng Camarines Sur sa mga sa lalawigan sa Bicol region na mayroong pinakamaraming bilang ng mga indibidwal na nakatanggap na ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.
Sa inilabas na datos ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD)-Bicol, napag-alaman na umabot na sa 77,544 ang kabuuang doses na natanggap sa lalawigan.
Sa naturang bilang, 40,549 o 84% dito ang nakatanggap na ng kanilang 1st dose ng bakuna habang 18,295 naman o 63% ang para sa second dose.
Samantala, sinundan nito ang lalawigan ng Albay na nasa unang pwesto gayundin ang Camarines Norte na nasa ikalawang pwesto.
Sa ngayon, umabot na sa 185,921 ang kabuuang bilang ng mga naturukan para sa 1st dose at 2nd dose ng bakuna sa naturang rehiyon laban sa nakamamatay na sakit.