NAGA CITY- ‘Considered case closed’ na umano ang nangyaring pamamaslang kay Camarines Sur Security Head at former Jail Warden Jojo Musa.
Sa pagharap sa mga kagawad ng media ni PCol. Felix Servita, City Director ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong malakas ang mga ebidensya na magdidiin sa itinuturong suspek na si retired Philippine Army Elmer Nelmida.
Aniya, ito mismo ang itinuro ng mga witness na nakakita mismo sa pamamaril ni Nelmida kay Musa.
Ayon kay Servita, sa inisyal nilang imbebstigasyon, may nakakta rin aniya na umaali-aligid ang suspek sa lugar ng biktima.
Dagdag pa nito, ang pagtanggal ni Musa kay Nelmida at sa asawa nito sa ilalim ng Civil Security Unit ang isa sa mga tinitingnang motibo sa krimen.
Samantala, kasong murder ang hinahanda aniya ng mga otoridad na isasampa laban kay Nelmida.