NAGA CITY- Hindi napigilan ni CamSur 3rd District Rep. Gabby Bordado na madismaya sa naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bordado, sinabi nitong umaasa sana siyang may direktang plano ang pangulo para masolusyunan ang isyu sa COVID-19.
Ngunit ang nangyari aniya, hindi ito naabot ng naging talumpati ng pangulo.
Ayon kay Bordado, bagama’t masambit naman ng pangulo ang kanyang mga nagawang programa ngunit tila aniya nakulangan pagdating sa mga recovery plans para sa pandemya.
Sa kabilang dako, muli namang nanindigan si Bordado na hindi siya pabor sa muling pagbuhay sa usapin ng death penalty.