Nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa isinagawang men’s artistic gymnastics floor exercise final ng Paris Games sa Bercy Arena.
Naitala ni Yulo ang 15.000 point (6.600 in difficulty, 8.400 in execution, and 0.0 penalty).
Ang 4-foot-11 na atleta ang gumawa ng ingay at marka dahil ito ang kauna-unahang Filipino gymnast na nanalo ng gold medal sa Olympics.
Ito rin ang unang medalya ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024 at pangalawang gintong medalya ng bansa sa Olympics matapos makuha ni Hidilyn Diaz ang first-ever Olympic gold medal sa weightlifting.