NAGA CITY- Itinurn-over na ng City Government ang bagong terminal o Carolina Inter-Modal Terminal Phase I sa Barangay Carolina Naga City.
Sa naging pahayag ni Barangay Kapitan Leoncio Libuit, sinabi nito na malaki ang kanilang pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod para sa terminal. Ayon kay Kapitan Leoncio, uso ang pamamahagi ng tulong, pera at mga programa ngunit ito ay panandaliang solusyon lamang.
Idinagdag pa ng kapitan ng barangay na ang tulong ni Mayor Nelson Legacion ay hindi lubos na pinahahalagahan ng iba ngunit isang malaking bagay.
Aniya, tanganing an Pamahalaang Lungsod ng Naga lamang ang nagbigay ng matagal nang pangarap ng mga taga-Carolina na magkaroon ng sariling terminal, dahil ilang dekada na ang lumipas ngunit nagtatanong lamang sila kung kailan at saan magkakaroon ng terminal sa kanilang barangay. Ngunit ngayon ito ay ibinigay sa kanila sa pamumuno ni Mayor Legacion
Samantala, sa pamamagitan naman ng Pamahalaang Lungsod ng Naga, naibigay na sa ibang barangay ang paaralan at mga kalsada na nagpapakita ng pagsisikap ng mga opisyal na matupad ang kanilang mga pangarap.
Dagdag pa rito, ang agro industrial park at convention center ay magbibigay ng maraming negosyo at trabaho sa mga mamamayan ng Carolina, na nagpapatunay na ang alkalde ay hindi lamang nagbibigay ng agarang tulong na makikinabang sa mga tao sa mahabang panahon.