NAGA CITY- Tiniyak ni Sen. Kiko Pangilinan na makakarating sa tamang mga benepesyaryo ang mga cash assistance na kanilang inilaan mula sa mga programa ng gobyerno.
Ito’y may kaugnayan sa programa ng gobyerno na pagpapautang sa mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektohan ng pandemia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Sen. Pangilinan sinabi nito na sa pamamagitan ng mga online forum na kanilang isinasagawa ay kasabay rin ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga organisayon ng mga magsasaka na apektado ng nasabing pandemia.
Ayon kay Pangilinan ang pagiging transparent ay isa lamang umanong paraan upang matiyak na walang mangyayareng anomalya dito.
Una na umanong nag laan ng halos P24 Billion cash assistance ang gobyerno para sa mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Sa ngayon kasalukuyan naman umano na itinutulak ni Pangilinan ang layunin na derektang mabigyan ng cash asistance ang mga magsasaka mula sa P800 M na nakolekta sa ilalim ng rice tarification law.