NAGA CITY- Inaasahang mas marami pa ang maitatalang casulties sa nangyaring suicide bombing sa loob ng Mosque sa Kunduz City, Afghanistan.

Mababatid na una nang naiulat ang nasa mahigit 50 nasawi sa pagsabog at 100 namang nasugatan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Joel Tungal, Private Security Contractor sa UNHCR sa nasabing bansa, sinabi nito na aabot kasi sa 300 an nasa loob ng nasabing mosque.

Ayon kay Tungal, dahil na rin sa kalakihan ng Mosque, parati na rin itong nagiging target ng mga suicide bomber sa bansa.

Dagdag pa ni Tungal na hindi na bago sa bansa ang pasukin at atakihin ng mga suicide bomber lalo na kung nagsasagawa ng Friday prayer kung saan nagtitipon tipon ang maraming mga Afghanist sa mga mosque.

Samantala, tinutukoy pa rin kung sino ang salarin sa naturang pagpapasabog sa nasabing lungsod.