Ipinahayag nina Senadora Pia Cayetano at Loren Legarda ang kanilang kahandaan na dumalo sa posibleng special session kung ito ay ipapatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na handa siyang sumunod sakaling magdesisyon ang Malacañang na magpatawag ng sesyon.

“Ask the Senate president. I’m a team player… Of course. ‘Pag nagpatawag ang presidente, bakit naman hindi?” ani Cayetano.

Samantala, maikli lamang ang naging tugon ni Legarda nang tanungin tungkol sa special session: “We’ll attend.”

Advertisement

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, maaaring paboran ng Pangulo ang anumang opisyal na kahilingan para sa special session, lalo na kung magreresulta ito sa pagbuo ng bagong liderato sa Senado, na tinukoy ang Gatchalian bloc.

Sa kabilang banda, nagbigay ng reaksyon si Senador Pia Cayetano sa pahayag ni Senador Jinggoy Estrada na ang kanyang Senate President ay ang kanyang kapatid na si Senador Alan Peter Cayetano.

“Hindi lang naman si Senator Jinggoy ang nagsasabi noon. Lahat tayo… Nagkaroon ba ng majority vote ng mga miyembro para sa kahit sinong ibang opisyal? Wala. It’s very simple. Huwag tayo magpapalito,” giit ni Cayetano.

Advertisement