NAGA CITY- Tila ang paulit-ulit umanong pagtatraydor ng Palestine sa Israel ang dahilan kung kaya halos ayaw ni Israel Prime Minister Netanyahu ng Ceasefire.
Ito’y kaugnay pa rin sa kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa ulat ni Bombo International Correspondemt Anna Andaya Arizala mula sa Israel, sinabi nito na paulit-ulit lamang umano kasi ang ginagawa ng Palestine at tila hindi sumusunod sa napapagkasunduan tuwing nagkakaroon ng peace talk.
Aniya, kung hindi pa namagitan ang ilang mga bansa lalo na si US President Joe Biden ay wala pang balak si Netanyahu na makipagkasundo sa Palestine.
Kaugnay nito, tila nagbunyi ang mga Palestinian ng magpatupad ng ceasefire.
Ngunit nilinaw pa nito na pag-uusap pa lamang ng dalawang bansa ang mangyayari at wala pa rito ang kontrata o kasunduan ng dalawang bansa.
Dagdag pa nito, sa kabila aniya ng paulit-ulit na kaguluhan sa dalawang bansa, ang pamahalaan pa rin ng Israel ang nag-aayos para muling makabangon ang Palestine.
Samantala, kung maaalala, Mayo 10 ng magpasabog ng mga rockets ang Hamas Militants laban sa Israel.
Sa ngayon, ilang buhay na ang nasawi dahil sa naturang insidente ngunit paglilinaw pa ni Arizala na wala umanong Pinoy na nadamay, nasugatan o nasami sa pangyayari.