NAGA CITY- Kampante si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo “Pido” Garbin na may magandang mapupuntahan ang P30-B- supplemental budget na una
nang napagkasunduan ng House of Representatives para sa biktima ng pag-alburuto kan bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Garbin, sinabi nitong nakafocus ang naturang budget para sa rehabilitation efforts at relocation sites lalo na
sa mga nakatira sa permanent danger zone.
Ngunit ayon kay Garbin, ang naturang pondo ang hindi lamang para sa mga Taal Volcano victims ngunit sasakupin naman aniya nito ang iba pang
lugar sa bansa na laging nangangailangan ng mga evacuation centers lalo na kung may kalamidad.
Sa kabilang dako, hihintayon pa aniya nila ang certification mula sa Department of Budget Management at Bureau of Treasury para sa pagpapatuloy
ng prosesong kinakailangan sa naturang malaking halaga na ilalabas ng pamahalaan.