NAGA CITY- Arestado ang mismong Chairperson ng Bayan-Camarines Sur sa operasyon ng kapulisan sa Bagumbayan Sur, Naga City.

Ang pag-aresto kay Nelsy Rodriguez ay may kaugnayan sa ibinabang warrant of arrest ni Hon. Arnel A. Dating, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, 5th Judicial Region, Labo Camarines Norte.

Nag-ugat ito sa umano’y pagkamatay ni 2LT Jose Henry Nopueto sa isang engkwentro.

Kung maaalala, una na ring inaresto ang ilang matatas na opisyal ng mga progresibong grupo gaya nina Jen Nagrampa ng Gabriela at Dan San Andress ng Karapatan-Bicol na nakaladkad din ang mga pangalan sa nangyaring ambush sa Lupi, CamSur kung saan dalawang sundalo ang binawian ng buhay.

Sa ngayon, kinondena naman ng Karapatan-Bicol ang sunod-sunod na pag-aresto at pagkabit sa pangalan ng mga lider ng progresibong organisasyon sa pagkamatay ng ilang mga sundalo sa rehiyon.