NAGA CITY- Tila nawalan na umano ng pag-asa ang chairperson ng largest pro-establishment Beijing-loyalist party na si Starry Lee matapos ang pagkatalo ng mga ito sa ginawang District Election sa Hong Kong.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong dahil sa umano’y landslide result ng naturang eleksyon, nagpahayag ng kanyang resignation si Lee.
Ngunit, ayon kay Sadiosa hindi pinayagan si Lee ng kabuoang partido sa plano nitong pagbitaw sa pwesto.
Kung maaalala, kamakailan ng matalo ng pro-democracy parties ang pro-china matapos nitong maipanalo ang 17 distrito habang isang distrito lamang ang nakuha ng kalaban.
Kaugnay nito, umaasa aniya ang mga residente ng Hongkong na hudyat na ito ng pagbabalik ng normal na sitwasyon sa naturang lugar.