NAGA CITY- Plano na umano ni Chief Executive Carrie Lam na magkaroon na ng reconciliation sa pagitan ng gobyerno at ng mga pro-democratic protesters sa Hong Kong.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong sa New Years’ message aniya ni Lam nangako itong tutugunan na ang demands ng mga protesters sa lugar.
Ayon kay Sadiosa, nakatakda aniyang ipropose ni Lam ang pagtugon sa demands sa kanilang isasagawang pagpupulong sa mga susunod na araw.
Aniya, marahil inaasahan na rin ng kampo ni Lam ang landslide nanamang Legislative Council election o Leg.Co sa darating na Setyembre.
Kung maaalala, muli nanamang nagkaroon ng serye ng kilos protesta sa lungsod na inaasahang tatagal hanggang sa susunod na buwan.