Nagbanta ang China na posibleng kaharapin ng mga itinuturing na Taiwan independence separatist ang maximum penalty na kamatayan o parusang bitay. Ang judicial guidelines para sa nasabing criminal punishments ay agad na umiral pagkalabas nito.
Batay sa Anti-Secession Law, ibinabala sa Criminal Law and the Criminal Procedure Law ang mas mabigat na parusa sa mga mapatutunayang guilty sa pakikipagsabwatan sa mga dayuhang organisasyon.
Ang naturang panuntunan ay inilabas ng Supreme People’s Court, Supreme People’s Procuratorate at ministries ng public security, state security at justice ng China.
Kinondena naman ng Mainland Affairs Council ng Taiwan ang guidelines at sinabing magreresulta lamang sa isang confrontation sa Taiwan Strait.
Samantala, kasabay ng nasabing babala, inabisuhan na rin ng Taiwan ang kanilang mga residente na pag-isipan ang pagbiyahe sa mainland China at dapat na mag-ingat din ang mga Taiwanese na kasalukuyang nasa China para sa kanilang seguridad.