NAGA CITY – Nangunguna ngayon ang China sa pagdating sa medal tally sa nagpapatuloy na Summer Paralympics Games sa Tokyo, Japan.
Sa report ni Bombo International News Correspondent Miles Beltran, mula sa nasabing bansa, sinabi nito na sa kasalukuyang medal tally, mayroon ng 8 gold medal ang nakuha ng mga representante ng China.
Sumunod sa tally ang Great Britain na mayroong anim na gold pareho ng RPC at Australia at ang Netherlands na mayroong limang gold.
Kaugnay nito, hindi naman pinalad na makaabanse pa sa patimpalak ang pambato ng Pilipinas sa swimming na si Gary Bejino na tubong Albay.
Dagdag pa ni Beltran, wala ring pinapayagan na makapanuod ng nasabing patimpalak dahil na rin sa naeeksperyensyahang pandemya.
Samantala, mababatid na nagsimula ang nasabing patimpalak ng Agosto 24 at magtatapos hanggang September 5, 2021.