Bumagsak ang isang chopper ng Philippine Navy sa Sangley Airport sa Cavite City ngayong Huwebes, Disyembre 5, 2024.
Nag-take off ang Naval Helicopter NH432 sa naturang Airport para magsagawa ng functional check flight matapos makumpleto ang 400-hour scheduled maintenance inspection nito.
Nasa ikatlong sortie na ang eroplano nang mag-crash habang sinusubukang lumapag sa Paliparan.
Kaugnay nito, dalawang piloto at tatlong crew ang bahagyang nasugatan matapos bumagsak ang nasabing chooper
Ayon kay Commander John Percie Alcos, dinala kaagad ang mga nasugatan sa 15th Strike Wing Hospital at maayos na ang kalagayan.