Photo @ web

Nanawagan ang CitizenWatch Philippines sa pamahalaan na ituring ang internet bilang ikalimang utility, kahanay ng kuryente, tubig, gas, at transportasyon, dahil sa lumalaking papel nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Atty. Kit Belmonte, co-convenor ng grupo, hindi na opsyon ang pagkakaroon ng internet dahil nakadepende rito ang edukasyon, trabaho, at komunikasyon. Ipinakita ng datos mula sa DICT at ITU na mas abot-kaya ang mobile data at tumaas ang fixed broadband speed mula single-digit Mbps noong 2016 patungong higit sa 90 Mbps ngayong 2025.

Napanatili rin ang presyo ng entry-level fiber plans sa P1,299 hanggang P1,699. Gayunpaman, nahaharap pa rin ang mga telecom companies sa mataas na kuryente at mabagal na permit process. Iginiit ni Belmonte na ang malakas na konektividad ay makakatulong upang mabawasan ang pangangailangan sa pagbiyahe, na magreresulta sa tipid para sa publiko.

Advertisement