NAGA CITY- Maagang nagsagawa ng inspeksyon si Naga City Mayor Nelson Legacion maging ang buong pwersa ng lokal na gobyerno sa lungsod sa mga mabababang lugar na posibleng bahain.

Ito’y kaugnay pa rin ng patuloy na preparasyon sa banta ng Bagyong Tisoy.

Kaugnay nito, nilibot ng mga opisyal ang mga tulay at iba’t ibang barangay sa lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente dito.

Samantala, tuloy tuloy parin ang ginagawang preemptive evacuation sa lungsod at Camarines Sur para matiyak ang kaligtasan ng lahat.