NAGA CITY- Kinumpirma ng City Veterinary Office sa lungsod ng Naga na wala pang kaso ng Avian Influenza o bird flu sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Marilee Lingua, City Veterinary Head, sinabi nito na sa kasalukuyan, wala pang naiirehistro na kaso ng Avian Influenza sa buong Camarines Sur kasama na ang Naga City.
Pero sa kabila nito, nagpapatuloy naman ang kanilang pag-monitor at pakikibalita sa mga residente patungkol sa lagay ng kanilang mga alagang manok at iba pang poultry animals.
Kaugnay nito, muli naman na ipina-alala ng opisyal sa publiko ang mga sintomas ng nasabing sakit gaya na lamang ng hindi pagkain at mataas na mortality rate sa mga poultry animals.
Kasabay nito, pinapa-ingat naman ni Lingua ang lahat dahil hindi lamang sa mga Ibon nakakahawa ang Avian Influenza kundi magin sa mga tao.
Samantala, patuloy naman ang pagpapatupad ng biosecurity upang mapigilan ang pagpasok ng sakit sa Naga City at sa buong Bicol Region.
Sa ngayon, hagad na lamang ng opisyal ang kooperasyon ng publiko upang mapanatili ang pagiging free ng Naga City sa nasabing sakit.