NAGA CITY- Nasa 13 bayan parin sa lalawigan ng Quezon ang walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribvadong paaralan dahil sa
epekto ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Public Information office, nabatid na kasama sa mga bayang ito ang Burdeos,
General Nakar, Mauban, Pagbilao, Polilio, Real, Tayabas, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong at Lucena City.
Maliban sa mga mag-aaral, inatasan na rin ang mga empleyado ng gobyerno na magreport sa kanya-kanyang tanggapan ngayong araw.
Una rito, nabatid na inatasan na ni Governor Danilo E. Suarez ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council mag-augment ng team
sa Batangas para tumulong sa mga biktima ng abnormalidad ng bulkan.
Samantala, nananwagan naman ang mga opisyal sa mga negosyante huwag samantalahin ang pagpapataas ng presyo sa mga “face mask” sa mga
residente ng apektadong lugar.