NAGA CITY – Bagama’t kalmado na ang sitwasyon ng panahon sa Camarines Sur, ngunit mahigpit pa rin ang ginagawang pagmomonitor ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa mga landslide at flood prone areas sa lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Che Bermeo, Head ng PDRRMO-CamSur, pinayuhan nito ang mga residente na maging alerto at handa parin sa lahat ng oras at huwag bsta maging kampante sa kalagayan ng panahon.
Ayon kay Bermejo, layunin aniya ng kanilang ahensiya na maiwasan ang mga casualties sakaling tumaas pa ang lebel ng tubig sa mga binabahang lugar.
Samantala, nasa 263 pamilya na lamang ang nananatili sa mga evacuation centers mula sa 31 barangay ng 10 bayan sa lalawigan.
Maliban dito, lifted na rin ang class suspension sa Naga City at Camarines Sur ngayong araw habang suspended parin ang klase sa Camarines Norte.