NAGA CITY- Nagsagawa ng vaccination ang mga tauhan ng Camarines Norte Police Provincial Office sa nasa 282 an indibidwal na miyembro ng Indigenous Peoples sa Labo Sports Complex, Labo, Camarines Norte.
Ito’y kaugnay pa rin ng “Bayanihan Bakunahan: Ligtas. Lakas. Buong Pinas” o ang vaccination drive sa buong bansa.
Kasama sa mga nabakunahan ang mga bata, mga may edad na nasa kategorya ng A1-A4 na Manide at Dumagat Tribe.
Katuwang ng CNPPO at lokal na pamahalaan ng Labo ang CNPPO Vaccination Team.
Layunin ng nasabing programa ang mahinto ang pagkalat ng COVID-19 virus sa mga IP community sa nasabing lalawigan.
Gayundin naman ang maprotektahan ang mga IP’s laban sa kumakalat na virus at mabawasan ang kanilang takot para makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon na walang pag-aalangan at nasa mabuting kalagayan.
Samantala, bukod sa nasabing bakunahan, nagsagawa rin ng Feeding Program at namigay pa ng mga food packs sa tulong ng DSWD-Camarines Norte sa halos 500 benepisyaryong Manide at Dumagat Tribe.