NAGA CITY- Tahasang tinawag na isip-bata ni Atty. Neri Colmenares, Chairman ng National Union of People’s Lawyer ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo duterte na pagkansela ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Colmenares, sinabi itong pabor sana siya na tuluyan ng tanggalin ang VFA ngunit hindi aniya siya pabor sa dahil kung bakit ito tatanggalin.
Ayon kay Colmenares, dapat ang ipakita ng pangulo ang masamang epekto ng VFA lalo na’t pwedeng madamay aniya ang bansa sakaling magkaroon ng gyera sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Ngunit dahil ang rason sa pagtannggal ni Presidente Duterte ay dahil lamang sa pagkansela ng US Visa ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, tila nagmumukha aniyang pag-isip bata ang naturang desisyon.
Aniya, hindi dapat mapikon ang pangulo at hindi kailangang lumabas na ang systema ng mga foreign relations ng bansa ay nakadepende sa mood ng pangulo.