NAGA CITY – Nakahanda na ngayon ang COMELEC-Naga sa posibleng pagdagsa ng mga magpaparehistro dahil bakasyon na ng mga estudyante.
Ito ang naging pahayag ni Naga City COMELEC Officer Atty. Maico Julia Jr. matapos na umabot na sa mahigit 7, 000 ang naitalang bagong nairehistro na botante simula ng magsimula ang registration noong buwan ng Pebrero.
Kasama sa mga inaasahan nila na magpaparehistro ang mga estudyante na nag-aaral at nagkatira sa lungsod na ang layunin ay makapag-avail ng mga programa ng lungsod ng mga educational scholarship na hindi nakukuha sa kani-kanilang mga sariling LGU.
Kasabay naman nito, muling nagpaalala ang Comelec-Naga na bago magtungo sa kanilang opisina, siguraduhin na bitbit o kumpleto na ang kanilang mga requirements upang hindi masayang ang kanilang oras at agad itong maproseso.
Sa ngayon, bukas naman ang opisina ng Comelec-Naga mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon simula araw ng Lunes hanggang Sabado.