Pinawalang-sala ng Commission on Elections (Comelec) en banc si Rodante Marcoleta mula sa anumang election offense, subalit binigyang-diin ng tribunal na hindi niya nasunod ang ilang probisyon ng Omnibus Election Code kaugnay ng kanyang statement of contributions and expenditures (SOCE) noong midterm elections.
Nasangkot si Marcoleta sa moto proprio investigation matapos niyang aminin na hindi niya naidetalye ang lahat ng election contributions sa kanyang SOCE, alinsunod sa kahilingan ng kanyang mga donor. Ayon sa kanyang legal na kinatawan, ang P75 milyon na natanggap niya mula sa tatlong indibidwal ay ibinigay bago pa man opisyal na magsimula ang campaign period, kaya’t hindi ito itinuturing na campaign donation.
Sa desisyon, tinanggap ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng Political Finance And Affairs Department (PFAD) na itigil ang imbestigasyon laban kay Marcoleta “dahil walang ebidensya na nagpapakita na siya ay gumawa ng anumang election offense.”
Gayunpaman, inirekomenda ng Comelec en banc na magsampa ng kaso laban sa mga campaign donors ni Marcoleta dahil sa kanilang hindi pagsusumite ng kani-kanilang individual Report of Contributions sa loob ng 30 araw matapos ang eleksyon.
Si Defensor, tulad ni Marcoleta, ay dating mambabatas at kilalang tagasuporta ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.













