NAGA CITY- Planong isailalim sa rapid antibody test, o swab test ang mga residente ng Spillway, Concepcion Pequeña na nagkaroon ng contact kay Bicol#91 at Bicol#92 na una ng nagpositibo sa Coronavirus desease sa Naga City.
Sa ngayon umabot na sa 110 confirmed cases sa Bicol Region habang mayroong 13 active cases naman sa Naga City
Sa opisyal na pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion kinilala nito si Bicol#109 na isang lalaki, 43-anyos , residente ng Zone 4-A Spillway, Concepcion Pequeña at isang trabahador sa bahay nina Bicol#92 at Bicol#100.
Dahil dito mananatiling naka “lockdown” ang nasabing barangay hanggang sa hindi pa nakakasiguro na wala ng banta ng nasabing sakit sa lugar.
Samantala, kinilala naman ng DOH-Bicol si Bicol#110, na isang 38-anyos na lalaki at kauna-unahang covid-19 case sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.
Ito’y mayroong travel history mula sa Laguna, kung saan mayroon ring exposure kay Bicol#91 at Bicol#92.
Sa ngayon mayroon ng 78 recoveries ang rehiyon dahil sa tatlong bagong naidagdag, habang nananatili naman sa lima ang total deaths.