NAGA CITY- Dudulog umano si Camamrines Sur 2nd District Representative Cong Lray Villafuerte sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kumalat na aniya’y deep fake audio recording o ang paglikha ng pekeng boses ng kongresista na nag uutos upang siraan sina VP Leni Robredo at ang mga kongresistang sumusuporta dito.
Sa ipinalabas na post sa social media ni Villafuerte, ninanais nito na maimbestigahan at mapahinto ang pagkalat ng nasabing audio recording.
Mababatid na umani ito ng samut-saring komento mula sa mga netizens.
Maririnig kasi dito ang tinig na hawig mismo sa boses ni Villafuerte na nag uutos sa isang staff nito na “i-edit” ang litrato ng bise-presidente kasama ang tatlong incumbent congressman sa CamSur at lagyan ng caption na ” Robredo, mga kakampi, mga scammers”.
Ngunit pinabulaanan ng opisyal na ito ay kaniyang boses.
Ani Villafuerte, hindi ito titigil hangga’t hindi nakukulong ang mga nagpapakalat ng fake news laban sa naturang kongresista.
Sa ngayon, nagpataw na rin ng reward ang opisyal sa makakapagbigay ng impormasyon sa sinumang makakapagturo kung saan nanggaling ang aniya’y deep fake recording.