NAGA CITY- Arestado ang isang construction worker sa pamamagitan ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Homicide sa bayan ng San Roque, Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang suspect na si Dionisio Garcia Boslon Jr, 22-anyos residente ng Brgy La Medalla, Baao, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office(CSPPO) napagalaman na bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Ammelina Bernadette Corazon Palma-Crescini, Judge of MTC, Baao, Camarines Sur, maari umanong makapag pyansa ng Php24,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan ang nasabing suspek.

Samanatala base sa isinagawang body search narecover dito ang isang caliber 38 revolver, limang pirasong fired cartridges, at 1 chamber load cartridge.

Sa ngayon hinahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa nasabing suspek.