NAGA CITY – Patay ang isang construction worker matapos makuryente sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Herbert Sanchez, 43-anyos residente ng Brgy. Pugon sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provinvial Office, napag-alaman na habang nagtatrabaho ang biktima sa bahay ng isang Mr. Rodel Harris nang aksidenteng matamaan ng hawak nitong steel bar ang wire ng kuryente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na dahil sa insidente nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Harris na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa nasabing insidente.