NAGA CITY – Patay ang isang construction worker matapos saksakin sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Roel Dequillo, 49-anyos, residente ng Purok 1A, Ilaya, Brgy. Dalahican sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakaupo at nanonood ng billiards ang biktima nang bigla na lamang dumating ang suspek na kinilalang si Avelino Castillo, 66-anyos residente ng nasabing ng lugar at bigla na lamang nitong sinaksak si Dequillo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na agad naman sanang dinala sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposiyon.