NAGA CITY- Patay ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang suspek sa Sitio Ilayang Talipan, Pagbilao, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Glenn Perdon, 43-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial office, nabatid na habang bumibili sa isang tindahan ang biktima nang bigla namang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Ayon sa mga nakasaksi, tatlong magkakasunod na putok ng baril ang kanilang narinig bago tuluyang madiskubre ang nakabulgata at wala nang buhay na katawan ng biktima.
Ngunit, matapos gawin ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malaman na direksiyon.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.