NAGA CITY – Sugatan ang isang construction worker matapos na saksakin sa Brgy. Lutucan Bata, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ramil Fulitado, 44-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Arnold Alegria, 34-anyos, nang magkaroon ng mainit na diskusyon ang mga ito na naging dahilan upang saksakin ng suspek si Fulitado.

Sa inisyal na imbestigasyonng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat sa dibdib ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Advertisement

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente maging ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng nakatakas na suspek.

Advertisement