NAGA CITY- Pinatunayan ng isang pinoy at kauna-unahang Philippine Consulate Dublin Officer sa bansang Ireland ang kaligtasan ng pagpapaturok ng COVID-19 Vaccines.
Ito’y matapos na matanggap ng Consular Services Mgr. and Community Engagement/Youth Empowerment Coordinator ng Philippine Consulate sa Dublin na si Wendell Notario Bersabal ang nasabing bakuna.
Kaugnay nito, sa eksklusibong pakikipag-usap ng Bombo Radyo Naga kay Bersabal hinikayat nito ang mga nurses at healthcare workers na tanggapin narin ang nasabing bakuna sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Bersabal, hindi maikakaila na maraming pinoy na healthcare workers sa nasabing lugar at maging ang kanyang asawa na isa ring nurse ang nag dadalawang isip na magpabakuna dahil sa posibleng epekto nito.
Ngunit ayon kay Bersabal, base umano sa kanyang pagkakaintindi ay ligtas naman ito at naniniwala na mas makakabuti ang mayroong proteksyon sa nakakamatay na virus.
Kung maaalala isa ang bansang Ireland sa nakapagtala na ng UK Varriant na Coronavirus diease kung saan sa loob lamang ng 14 na araw ay agad itong nakapag tala ng 55,033 na kaso ng naturang virus.
Sa ngayon, pansamantala narin munang isinara ang opisina ng Philippine Consulate Dublin para narin sa kaligtas ng mga staff at volunteers ng nasabing opisina dahil umano sa mas lumalalang setwasyon sa nasabing lugar.